Archive for Uncategorized

Global Warming, NFA rice, at mabantot na paa.

Marami na sigurong nakakapansin sa epekto ng Global Warming sa ating paligid simula ng ipalabas ang an inconvenient truth ni Al Gore, Mga tigang na lupa, mga natutunaw na yelo sa antartica, nalunod na polar bear at kung anu-anu pang mga effect at statistics na kanyang iprenesent. Kaya nang pinapanood ko yun natakot ako, kaya pinatay ko na lang yung vcd player (sayang ang P16 na pinang rent ko dapat iba na lang pinili ko).

Kaya naman kaliwa’t kanan ang naging promotion ng mga advocate sa pagpapakalap ng information ukol sa global warming. Marami ang nakapanood at nakinig sa ibat ibang commercial na nagkalat sa media. May naisipang magtanim ng okra, may nagsabing hindi na maninigarilyo, may nagtoothbrush, may nagpatay ng ilaw at may nakisali. Pero gayun pa man, mainit pa din, hindi man lang nabawasan ng kahit 10 degrees Celsius ang thermometer namin sa ding ding. Bukod pa dito, si kamandag, ang agilus ng gubat at ang nag-iisang sugo nakisama at nagsalita. Pero ano ang epekto? Meron nga ba? Hindi ko din alam. Pero siguro malaki din ang koneksyon nito sa pagliit ng supply ng bigas. Kaya masasabi kong isa ito sa dahilan ng pag-unti ng kanin sa plato namin ni kuya? Pwede! Sabi ng mga expert sa kagulayan at taniman, matagal na daw ang problema sa bigas, ngayon lang napagtuunan ng pansin dahil sa pagtaas ng presyo na dulot ng pagbaba ng production nito sa pandaigdigang merkado.

Habang paunti ng paunti ang kanin sa plato namin ni kuya. Napansin kong may mas malala pa palang epekto ito sa akin. Kinakailangan kong pumila sa pinakamalapit na bilihan ng NFA rice ng medyo maaga para makakuha ng numero.

Alas nueve, medyo tirik na din ang araw. Masakit sa balat (kahit na kakaligo ko lang) pero alam kung hindi pa nagsisimula ang tunay na laban. Paglabas ko ng pinto akala ko relief na! mas mainit pala talaga sa labas ng bahay kesa sa loob. Gustuhin ko man sanang bumalik at kunin ang electric fan namin, pero naisip ko dyahe sa porma, baka may magkainteres pa don.

Para akong nasa desert, nakadalawang hakbang pa lang ako, naramdaman ko ang oasis sa loob ng aking sapatos. Naglalawa! Kung bakit naisipan pa kasing magsapatos kahit na medyo malapit lang yung dalawang pupuntahan. Nang matapos makipagsiksikan, makaamoy ng langhap sarap no 1 sa kilikili ni ateng nauna sakin, (pamatay talaga ang amoy! you take my breath away ateng nakagreen!) at makabili ng 2 kilong bigas agad akong pumunta sa sumunod na destination pero mainit talaga at naiirita ako sa mahiwagang lawang aking dala dala.

Ng makarating ako sa bahay, at naupo sa sofa, agad na lumabas si blue (ang aso sa blue’s clues) naging thinking chair ang sofa namin, at ibinigay sa akin ni blue ang handy dandy notebook. Parang totoo ang mga pangyayari, may foot print ni blue ang globo sa istante namin, (na punong puno ng alikabok), gayun din ang 2 kilong NFA rice na aking binili at ang pangatlo ang aking paa.

Itrinay kong i-solve ang misteryong bumabalot sa mga ibinigay ng mukhang cotton candy asong iyon na parang kanyang among si Kevin.

Tapakan ang globo at lalabas ang mga NFA rice. Agad umalma si blue. Pow! Popopow!! Try again daw ang translation non. Kainin ang NFA rice at isunod ang globo para dumami ang paa? Umiling ulit ang aso. Hanggang sa kinagat ako nito ng paulit ulit (array!)dahil sa hindi ko masolve at bigla na lang akong nagising. Nasagot ko ang misteryo ng alisin ko ang medyas sa aking paa. Langhap Sarap no. 2. biglang napuno ng lively melody ang salas namin (kasabay ang langhap sarap no. 2), we just figured out blue’s clues, we just figured out blue’s clues, we just figured out blue’s clues, cause we’re really smart!!!!

Points to ponder:

  • Nakakaapekto ang global warming sa pagbaho ng iyong mga paa.
  • Dapat isama na din sa NFA rice ang deodorant.
  • Mabaho ang mga langhap sarap.
  • Kapag hindi mo nahulaan ang mistery na binigay ni blue kakagatin ka nito.
  • May masasabi ka ba sa blog kong to?

Leave a Comment

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Comments (2)